Uncategorized
Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga
By otherladygaga | |
Hindi parang pagmememorya ng song lyrics ang pag-alala sa mga karanasan, kundi parang pagnonovena. Parang ritwal. Sa isang confessional na paraan ipapasilip ng may-akda ang kanyang mga partikular na karanasan at buhay ng isang migranteng manggagawa sa Saudi Arabia. Mga personal na sanaysay na ikukumpisal ang pangungulila at samu’t saring problema at balita mula sa pamilya sa Pinas. Sala-salabid ang mga isyung kakaharapin tulad ng racism, diskriminasyon at pang-aabusong sekswal ngunit isa-isa niyang hihimayin ang bawat istorya na kung hindi man mahanapan ng happy ending ay patuloy na makikipagsapalaran, patuloy na mangangarap.